3 drug suspek, patay matapos manlaban sa ikinasang buy-bust operation sa Malolos

Malolos, Bulacan – Patay ang tatlong drug suspek matapos manlaban sa ikinasang buy bust operation sa Malolos, Bulacan.

Kinilala ang suspek na si Jayjay Cervantes isang notoryus na drug pusher habang napatay din ang dalawang kasabwat nito.

Sa halagang ng 500 pesos, napagkasunduan ang pagbili ng iligal na droga mula sa mga suspek.


Sa pinagkasunduang lugar dumating ang mga suspek lulan ng tricycle pero nakatunog ang mga ito na pulis ang kanilang nakatransaksyon.

Nagkaroon pa ng habulan bago napatay ang mga suspek.

Isinailalim na sa imbentaryo ang lahat ng mga narekober sa mula sa mga drug suspek.

Facebook Comments