Ai-Ai Delas Alas, inaasikaso na ang ilang dokumento bago ang nalalapit na kasal

Showbiz – Aminado ang komedyanteng si Ai-Ai Delas alas na mahirap ang kanyang pinagdaanan bago siya muli magpakasal.
Ayon sa comedy queen – kailangan niyang ayusin ang kanyang Certificate of No Marriage Record o CENOMAR, birth certificate, kumpil at binyag.
Pero nakaayos na ang lineup ng kanilang kasal na gaganapin sa Disyembre 12, na isang church wedding na ‘flowery’ ang tema.
Dagdag pa ni Ai-Ai – sagot na ng kanyang kaibigan na si Marian Rivera ang kanyang susuoting puting gown bilang regalo.
Inaasahang dadalo sa kanyang kasal sina Megastar Sharon Cuneta at pambansang bae na si Alden Richards.

Facebook Comments