3 endangered na ahas nakumpisma sa Maynila

Tatlong endangered na ahas ang nakumpiska sa Arranque Market ng mga kawani ng Market Administration Office at mga tauhan ng Manila Police District – Station 11.

Ayon kay Market Master Ruth Almodovar, kinabibilangan ito ng isang Burmese python at dalawang rattlesnakes.

Ang mga nahuling nagtitinda nito ay kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.


Ang mga ahas naman ay agad na nainturn-over at nasa pangangalaga na ngayon ng Public Recreations Bureau – Manila Zoo.

Samantala, patuloy naman ang ginagawang clean-up routine at pagsasaayos ng Market Administration Office sa iba’t ibang palengke sa Maynila.

Layunin nito na matiyak ang kalinisan at kaligtasan ng mga mamimili sa lungsod pati na rin ang pag-iwas sa COVID-19.

Facebook Comments