3 establisyimentong nagtatapon ng kanilang dumi sa Manila Bay, binigyan ng cease and desist order

Manila, Philippines – Binigyan ng cease and desist order ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) ang tatlong establisimyento matapos mahuling nagpapalabas ng maduming tubig papuntang Manila Bay.

Ayon kay LLDA General Manager Jaime Medina, maaari namang ituloy ng Aristocrat Restaurant, Gloria Maris Sharksfin at The Esplanade San Miguel ang kanilang mga operasyon pero pinutol na ang kanilang water source dahil sa paglabag.

Pinagmumulta rin aniya ang tatlo ng hanggang P200,000 kada araw simula nang matanggap ang order.


Bukod dito, anim na establisimyento naman ang binigyan ng notice of violation dahil sa parehong paglabag.

Kasama rito ang Aliw Inn, SM Corporate Office, SM Prime Holdings, SM Ferry Terminal, SMDC Sea Residences at Lola Taba Lolo Pato Seaside.

Facebook Comments