3 Estudyante Kabilang ang 10-anyos, Patay nang Malunod sa Cagayan River

*Cauayan City, Isabela*- Natagpuan na ang bangkay ng tatlong estudyante matapos malunod kaninang umaga sa ilog na sakop ng Cagayan River bandang 2:45 ngayon hapon sa Brgy. San Isidro West, Santa Maria, Isabela.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Gilmore Canceran Jr., 14 anyos; Cristal Jale Gatan, 11-anyos at Ericka Callueng, 10 anyos na kapwa mga estudyante at residente ng Brgy. San Isidro West, Santa Maria, Isabela.

Ayon kay PCAPT. Rogelio Natividad, Hepe ng PNP Santa Maria, nagdesisyon ang mga biktima na magtungo sa Cagayan river kasama ang nagngangalang Isang Gatan, 7 anyos.


Nabatid na apat (4) na kilometro ang layo mula sa barangay proper ang nasabing lugar.

Ilang oras habang naliligo ang mga biktima ay nakitang nalulunod ang mga ito ng ilang residente sa kabilang pampang hanggang sa unang maisalba ang 10-anyos na bata subalit binawian din ng buhay.

Nakapagsumbong ang 7-anyos na bata na kasama ng mga biktima kaya’t agad na kumilos ang mga awtoridad hanggang sa matagpuan ang mga bangkay ng iba pa.

Idineklarang dead on arrival ang biktimang si Canceran at Gatan ng sumuring doktor maging si Callueng.

Patuloy naman ang paalala ng mga awtoridad na tiyakin na mababantayan ang mga bata lalo pa’t may kalayuan ang lugar ng insidente.

Facebook Comments