Bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, umakyat na sa 5,878

Nadagdagan ng 218 ang panibagong kaso ang COVID-19 sa bansa.

Dahil dito, ayon kay health Under Secretary Maria Rosario Vergeire, naitala nila ang 5,878 indibidwal na nagpositibo sa sakit.

Patuloy namang tumataas ang bilang ng mga gumagaling na nadagdagan ng 52 at ngayon ay nasa 487 na.


Sa kabila nito, nakapagtala naman ang kagawaran ng 25 nasawi na umabot na sa 387.

Facebook Comments