Manila, Philippines – Iniutos na ng Manila Health Department- Sanitation Division ang pagpapasara sa 3 gerilya type Funeral Parlor sa Tondo Manila matapos ang isinagawang inspeksyon.
Ayon kay Manila Sanitation Chief Boyet San Gabriel, ipinasasara na nila ang San Rafael Funeral Parlor at Corazon Funeral Parlor sa Juan Luna St at St.Valentine Funeral Parlor sa Moriones Street dahil sa ilang taon ng pag-ooperate ng walang Business Permit at Sanitary Permit mula sa City Hall.
Paliwanag ni San Gabriel wala ring sariling morgue ang mga nasabing Funeral Parlor.
Nilabag umano ng mga nasabing Funeral Parlor ang Sanitation Code of the Philippines at Manila City Ordinance 8331 na may kinalaman sa Business Permit at Regulatory Fees.
Nagbabala ang Manila Health Dept.sa mga Funeral Parlor na walang Business Permit at Sanitation Code na hindi mangingimi ang Manila City Govt. na agad ipasasara ang kanilang mga Funeral Parlor.