3 hoarders na nag-overpriced ng alcohol, nahuli!

Naaresto sa magkahiwalay na entrapment operation ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at mga tauhan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Caloocan City at Sta. Cruz Manila ang tatlong mga hoarder ng alcohol na ibinenta pa ng overpriced.

Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, unang naaresto sa Sangandaan, Caloocan na sina Jeffrey Zapanta at Albert Mandap, matapos na ireklamo ng mga bumibili ng alcohol online.

Huli sa akto ang dalawa na nagbebenta ng 500ml Ethyl Alcohol online sa halagang 140 pesos samantalang nasa ₱61.00 hanggang ₱74.25 lamang ang presyo nito.


Ang pangatlong suspek naman na si Evangeline Salazar Endozo, saleslady ng JKOS Medical Supplies and Equipment, ay naaresto sa Bambang, Sta. Cruz, Manila.

Facebook Comments