Meal packs, ipinamahagi sa Brgy. San Roque, Cainta, Rizal

Sinimulan nang ipamahagi ni Cainta, Rizal Mayor Kit Nieto ang meal packs para sa 600 katao ng Barangay San Roque, na ipinangako bilang ayuda sa mga residente na hindi makapasok sa trabaho bunsod ng ipinatupad na Town Wide Lockdown dahil sa COVID-19.

Naglalaman ng kanin, ulam na menudo, isang minatamis at isang mansanas ang bawat meal pack ang ipinamahagi sa nasabing barangay na napagkalooban ng tig-dalawang food stub.

Ayon kay Mayor Nieto, na idinaan niya ang pamamahagi ng meal pack sa mga barangay para maiwasan ang pila at nang taong posibleng may taglay na sakit na na COVID-19.


Paliwanag ng alkalde, may kabuuang 6,000 meal packs ang ipinamamahagi araw-araw sa pitong barangay na tatagal sa loob ng 30 araw at posibleng mag-adjust pa sila sakaling lumampas sa April 14 ang idineklarang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong bansa.

Priyoridad naman sa hakbang na ito ang nawalan ng trabaho tulad ng mga driver, construction worker, factory worker, waiter at mga empleyado ng mall.

Facebook Comments