Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ang tatlong mga holdaper makaraang biktimahin nito ang isang lolo sa EDSA, harapan ng Shangri-la, Wack-wack, Mandaluyong City.
Kinilala ang mga suspek na sina John Paul Evangelista, 28 anyos; Lorence Fabriquer, 24 anyos; Rene Boy Samson, 22 anyos, binate; at isang hindi nakilalang nakatakas habang ang biktima ay nakilalang si Reynaldo dela Torre, 65 anyos.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Mandaluyong PNP, habang naglalakad ang naturang biktima, nilapitan siya ng mga suspek at tinutukan ng patalim at sapilitang kinuha ang kanyang gintong kwintas na nagkakahalaga ng ₱160,000, isang gold bracelet na nagkakahalaga ng ₱4,000 at isang shoulder bag.
Sa ginawang follow-up operation, nahuli ang mga suspek, habang pinaghahanap pa ang isa.
Nabawi rin sa mga suspek ang mga alahas ng biktima.