3 hospital na pinangangasiwaan ng QC government, sobra na sa 100% ang occupancy rate

Dahil sa dami ng pasyente, lumagpas na sa 100% ang occupancy rate ng 3 hospital na pinangangasiwaan ng Quezon City (QC) government.

100.50% ang occupancy rate ng Quezon City General Hospital (QCGH) na may 121 pasyente.

Nasa 150% naman ang Rosario Maclang Bautista General Hospital (RMBGH) na may 81 pasyente.


Ayon sa isang empleyado ng ospital, marami na silang pasyente na hindi tinanggap at tanging kailangan na kailangan lang ang ilan pa sa tinatanggap tulad na lang ng suporta sa oxygen.

Sa Novaliches District Hospital (NDH), 162.50% ang occupancy rate na may 78 COVID-19 patients.

Samantala, sa 12 HOPE facilities ng QC government ay nasa 76.07% ang occupancy rate na may 1281 na pasyente ng COVID-19.

Facebook Comments