3 huli sa ilegal na droga sa Maynila

Manila, Philippines – Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Station 2 ng Manila Police District (MPD) matapos na magsagawa ng Anti-Criminality Campaign sa Chacon Street malapit sa kanto ng Nicolas Street Tondo, Manila.

Nakilala ang mga suspek na sina Danilo Densing 43-anyos residente ng Tambakan Maypajo, Caloocan, Alexander Taccad 43-anyos residente ng 742 Ricafort Street, Tondo, Manila at John Brian Fortades 18-anyos residente ng 742, Ricafort Street Tondo, Manila.

Ayon kay Police Inspector Robert Dato ng Dagupan Outpost Commander nagsagawa sila ng pinaigting na anti-criminality campaign nang maispatan ang mga suspek na may kahina-hinalang pagkilos at nang masita nakuha sa kanilang pag-iingat ang tatlong pirasong plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu.


Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa ng MPD laban sa mga suspek.

Facebook Comments