3 iba pang nakitaan ng flu-like symptoms sa kalibo, nakalabas na ng ospital

248

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nakalabas na ng ospital ang tatlong indibidwal na unang nakitaan ng flu-like symptoms nang dumating sa Kalibo International Airport mula sa China.

Ito ay matapos na lumabas na walang history ng byahe sa Wuhan, China ang naturang mga indibidwal at naging maayos na rin ang kanilang pakiramdam.


Gayunman, ipinadala na rin sa RITM ang throat sample ng mga ito para makasiguro.

Sa ngayon may dalawang daan at dalawang kaso ng 2019 Novel Corona Virus nang naitala sa China.

Mayoryap sa mga ito ay mula sa Wuhan, habang ang iba ay sa Beijing at Shenzen.

May mga kumpirmado na ring kaso nito sa Thailand, Japan at south Korea.

Pero pinag iingat ng DOH ang publiko dahil may mga naiulat na ring human to human transmission ng virus.




Payo naman ng World Health Organization (WHO) sa publiko huwag agad ma-gpanic dahil wala pa namang resulta ng mga pag-aaral na nakamamatay ang virus na ito.

Facebook Comments