Lalaki, Natagpuang Patay sa Loob ng Boarding House!

298

Cauayan City, Isabela- Wala nang buhay nang matagpuan ang isang lalaki sa loob ng kanyang inuupahang kwarto sa brgy San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Arnel Placido, 29 anyos, may asawa, tagaluto ng isang fast food chain sa Lungsod ng Cauayan at residente ng Brgy. Yeban Sur, Benito Soliven, Isabela.


Ayon sa salaysay ng nakadiskubre sa katawan ng biktima na si Claudine Capinlac, 19 anyos na taga Centro Cabatuan, Isabela, alas 11:00 ng umaga kahapon nang makita nito na nakahiga ang biktima subalit nang magtanghali ay hindi na ito nagising.

Isinugod pa sa pagamutan ang biktima subalit idineklara itong wala nang buhay.

Batay sa imbestigasyon ng SOCO ay wala namang nakikitang foul play sa pagkamatay ng biktima.

Hindi na rin isinailalim sa autopsy ang bangkay ng biktima na iniuwi na ng pamilya sa kanilang tahanan sa Benito Soliven.

Facebook Comments
From Advertisers