3-IN-1 | 50-year old na lalaki, nagpakasal sa tatlong babae sa iisang seremonya

154

Panghimagas – Hindi na lang kape ang 3-in-1 ngayon dahil sa Uganda, isang 50-year old na lalaki ang nagpakasal sa tatlong babae sa iisang seremonya!

Ayon kay Mohammed Ssemanda, hindi niya afford na pakasalan nang hiwa-hiwalay ang tatlong babae kaya pinagsabay-sabay na lang daw niya ito.

Food vendor sa Katabi, Wakiso District si Ssemanda.

Alam naman daw ng tatlo niyang asawa na hindi siya financially stable pero pumayag pa rin daw silang magpakasal sa kanya dahil sa “love”.

Ang mas nakakagulat pa rito, ang dalawa pang babae na pinakasalan ni Ssemanda ay magkapatid!

Sabi naman ng isa sa kanyang asawa na si Salmat Naluwungge, masaya siya na sabay-sabay silang pinakasalan ni Ssemanda dahil para sa kanya, simbolo ito na pantay-pantay ang tingin ng lalaki sa kanilang tatlo.

Facebook Comments