NADAGDAGAN | Bilang ng mga deboto, ‘dumoble’ ang dami

Manila, Philippines – Dumoble ang dami ng mga debotong nakikiisa sa Traslacion ng Poong Itim na Nazareno.

Ito ay batay sa monitoring National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ayon kay NCRPO Spokesperson Police Chief Inspector Kimberly Molitas, pagsapit ng alas-2:00 kanina, sumampa sa 519, 150 deboto ang namonitor ng NCRPO na sumasali ngayon sa Traslacion.


Kaninang alas 12:00 ng tanghali, nasa 229,000 lang ang naiulat na dami ng mga debotong nakikiisa sa Traslacion.

Tumaas din ang bilang ng mga debotong nanatili ngayon sa Quiapo Church na dumadalo sa misa at naghihintay sa pagdating ng imahe ng Poong Itim na Nazareno.

Sa kabuuan ayon kay Molitas nanatiling payapa ang ginagawang Traslacion.

Facebook Comments