3 Indian National, Huli sa Alarm and Scandal sa Santiago City

Cauayan City, Isabela- Arestado ang tatlong (3) Indian national dahil sa iskandalo sa kalye noong miyerkules, July 14, 2021 sa V-Mapa St., Purok 2, Plaridel, Santiago City.

Kinilala ang mga suspek na sina Kuldeep Singh, 34-anyos, may-asawa; Randeep Singh, 27-anyos, may-asawa; at Rakwsh Kumar, 34-anyos, walang asawa at kapwa mga naninirahan sa naturang lungsod.

Batay sa imbestigasyon ng Police Regional Office 2, ang mga suspek ay lumikha umano ng gulo sa kalye kung saan pinatotohanan naman ito ng isang saksi na si Randeep Singh diumano ay nagpaputok ng baril gamit ang hindi matukoy na kalibre.


Nakumpiska sa pinangyarihan ng insidente ang isang (1) basyo ng bala ng baril na diumano ay mula sa kalibre 45 subalit bigo naman ang pulisya na marekober ang baril na ginamit ng suspek.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong alarm and scandal na kasalukuyang nasa kustodiya ng Santiago City Police Office.

Facebook Comments