Santiago City, Isabela- Nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o Illigal Gambling ang tatlong katao matapos maaktuhang naglalaro ng “Tong-its” noong Marso 2, 2018 sa Brgy. Dubinan East, Santiago City, Isabela.
Kinilala ang mga nahuli na sina Christell Joy Garma, 21 anyos, walang asawa at resident eng Brgy. Sinsayon, Santiago City, Marizstelle Sabote, 24 anyos, walang asawa, Ronna Tapyador, 36 anyos, walang asawa at pawang mga resident eng Dubinan East ng naturang lungsod.
Batay sa ibinahaging impormasyon ng PNP Station 2 Santiago City, nakatanggap umano ng text message ang kanilang himpilan mula sa isang concerned citizen na may naglalaro ng “Tong-its” sa kanilang lugar.
Agad namang tinungo ng tanggapan ng pulisya ang nasabing barangay at naaktuhan ang kasalukuyang paglalaro ng “Tong-its” ang tatlong kababaihan na nagresulta sa kanilang pagkaka aresto.
Nasa pangangalaga ng ng SCPO ang talong nahuli samantalang nasa PNP Station 2 naman ang mga nakumpiskang baraha at perang ginamit sa paglalaro ng mga nahuli.