3 kalalakihan pananagutin matapos balutan ng keso ang 2 kotse, bahay

PENNSYLVANIA, United States — Nahaharap sa kaukulang parusa ang isang lalaki at dalawang binatilyo na umano’y nagbalot ng mga hiniwang keso sa dalawang sasakyan at isang bahay.

Sangkot ang 17-anyos na residente ng Girard, kung saan nangyari ang insidente noong Sabado, at dalawa mula sa Lake City na may edad 17 at 18.

Umamin ang tatlong suspek na nasa likod ng pambabato ng mga keso, ayon sa Pennsylvania State Police.


Gayunpaman, hindi malinaw ang naging motibo ng kalalakihan sa ginawang prank.

Hindi rin natukoy kung may tao sa nadamay na bahay nang oras na iyon.

Facebook Comments