Promulgation ng Ampatuan Massacre Case generally peaceful ayon sa PNP

148

Mapayapa sa kabuuan ang naging paghatol ng Quezon City  RTC Branch 221 laban sa mga akusado sa Maguindanao Massacre Case.

 

Ito ang naging security assessment ng National Capiltal Region Police Office kung saan tumagal lamang ng 30 minuto ang  promulgation ni Judge Jocelyn Solis – Reyes sa kaso.


 

Ayon kay NCRPO Director P/BGen. Debold Sinas, bagama’t may naitalang pagkilos ang ilang grupo ng mga militante, mamamahayag at estudyante sa harap ng Camp Bagong Diwa, agad naman itong narespondehan ng mga tauhan ng PNP Civil Disturbance Management Unit.

 

Kuntento rin si Sinas sa higpit ng seguridad ng mga tropa mula sa Regional Mobile Force Battalion sa pinaka main gate ng kampo kung saan, mahigpit na ipinatupad ang pagsasala sa mga pumapasok gayundin ang ipinatupad na lockdown.

 

Nagpasalamat si Sinas sa Pamahalaang Lungsod ng Taguig gayundin sa publiko dahil sa pakikiisa, pang unawa sa mahigpit na seguridad na kanilang ipinatupad.

 

 

Facebook Comments