3 Kalalakihan sa Cagayan, Huli sa Ilegal na Pangingisda

86

Cauayan City, Isabela- Arestado ang tatlong kalalakihan dahil sa illegal na pangingisda sa bahagi ng Barangay Diora, Zinungan, Sta. Ana, Cagayan.

Nakilala ang mga nahuli na sina Raymundo Romero, 45 taong gulang; Melvin Romero, 39 taong gulang at Arnold Raciles, 46 taong gulang at pawang mga residente sa nabanggit na lugar.

Kinumpiska ng mga tauhan ng Eastern Cagayan Maritime Police Station (MARPSTA) ang Bangka ng mga suspek na tinatayang nagkakahalaga ng Php 170,000.00.


Nasampahan na ng kasong paglabag sa local ordinance ng Sta. Ana sa ilalim ng Section 31, no.35-2015 o Unauthorized Fishing Activities ang tatlong suspek at kalauna’y ipinasakamay sa Municipal Agriculturist Office para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments