Top 2 sa LET Exam 2021, Tubong Cagayan

93

Cauayan City, Isabela- Pumangalawa sa pagsusulit ang isang tubong Cagayan sa katatapos na Licensure Examination for Teachers (L.E.T) Secondary Level nitong ika-26 ng Setyembre 2021.

Siya ay si Czendra Faye Compares, alumnus ng Cagayan State University Andrews campus na nakakuha ng 93.20% sa exam at rank 2 sa National level sa nasabing pagsusulit.

Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) at Board for Professional Teachers (BPT), mula sa 8,726 examinees para sa Elementary level, 4,883 dito ang pumasa habang mula sa 17,863 examinees sa Secondary level ay 10,318 lamang ang nakapasa.


Facebook Comments