3 kalsada sa South Cotabato, nananatiling unpassable sa mga motorista

Hindi pa rin madadaanan ang tatlong kalsada sa South Cotabato matapos tumama ang magnitude 6.8 na lindol noong Biyernes.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), kabilang dito ang Poblacion, New Dumangas at Tampakan Road, South Cotabato.

Ang mga nasabing kalsada ay unpassable sa mga motorista dahil sa landslide bunsod ng malakas na lindol.


Samantala, kabuuang 826 na mga kabahayan ang napinsala ng lindol.

Sa nasabing bilang 729 ang partially damaged habang ang 97 ay totally damaged na mula sa Region 11 at 12.

Umaabot naman sa 118 na mga imprastraktura ang nasira kung saan nagpapatuloy pa ang assessment upang mabatid kung magkano ang halaga ng pinsala ng lindol sa imprastraktura.

Facebook Comments