Nasirang chemical tanker sa Ilocos Norte, patuloy na mino-monitor ng PCG

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na ang isang chemical tanker ang nasiraan sa karagatan ng Basic, Ilocos Norte.

Ayon sa PCG, nagkaroon ng engine trouble ang MT Rich dahilan para tumigil ito sa nasabing baybayin dahil sa masamang panahon.

Sakay ng barko ang 16 crew na humiling ng rescue.


Dahil dito, patuloy na binabantayan ng PCG ang chemical tanker sa posibleng maging epekto nito sa karagatan ng Basic, Ilocos Norte.

Facebook Comments