3 Kasapi ng NPA, Sumuko sa Militar!

85

*Cauayan City, Isabela- *Sumuko sa tropa ng 86th Infantry Battalion, 5th ID, PA ang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) *kasabay *na rin ng ika-50 *anibersaryo* ng Communist Party of the Philippines (CPP-NPA) kahapon.

Sa panayam ng 98.5 RMN Cauayan kay Lt. Col Remegio Dulatre, Commanding Officer ng 86th IB, isa anya itong ebidensya na hindi na sinusuportahan ng tatlong sumuko ang mga aktibidades na isinasagawa ng kanilang kilusan.


Resulta na rin anya ito ng kanilang isinasagawang programa at pagpapasuko sa mga NPA kung saan marami na rin ang mga nagbalik loob sa kanilang tropa.

Isinuko ng tatlong NPA ang dalawang homemade shotgun at tatlong malalaking improvised explosive device.

Dagdag dito, kumikilos ang tatlong sumuko sa isang barangay na halos lahat umano ng mga residente ay sinusuportahan ang mga gawain ng NPA na kalauna’y nabuwag rin ng militar.

Patuloy pa rin na hinihimok ni Lt. Col Dulatre ang mga rebelde na sumuko na sa pamahalaan.

Facebook Comments

From Advertisers