Senator Lacson, binigyang ng mas mataas na grado si Pangulong Rodrigo Duterte

1791

Binigyang ni Senator Panfilo Ping Lacson ng grado 7-8 si Pangulong Rodrigo Duterte sa unang kahalating bahagi ng termino nito.

Mas mataas ito sa 5-6 o pasadong grado na ibinigay ni Pangulong Duterte sa kanyang sarili.


Sabi ni Lacson, kahanga hanga ang political will ni Pangulong Duterte kaya  nagawa nito ang mga bagay na bigong tuparin ng mga nagdaang mga Pangulo ng bansa.

Inihalimbawa ni Lacson, ang bilyun bilyong pisong naging pakinabang ng gobyerno ng pwersahin ni Pangulong Duterte na pagbayarin ang ilang malalaking kompanya na hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Paliwanag ni Lacson, kung sa ilalim ng ibang Pangulo ay aabutin ito ng mahabang taon sa Korte pero nasolusyunan ito ni Pangulong Duterte sa isang iglap lamang.

Facebook Comments

From Advertisers