3 Katao, Huli sa Pagsusugal!

*Cauayan City, Isabela- *Arestado ng mga alagad ng batas ang tatlong katao nang maaktuhan sa pagsusugal sa P3-B Brgy. Upi, Gamu, Isabela.

Sa ipinarating na ulat ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) ang tatlo ay nakilalang sina George Bautista, Roger Zabala at Marilyn Domingo, pawang mga nasa hustong gulang at mga residente rin ng nasabing lugar.

Sa sumbong ng konsernadong mamayan ay agad na tumugon ang pulisya at naabutang nagsusugal ang tatlong katao.


Nakarekober ng mga otoridad ang dalawang set ng baraha at P825.00 na cash na magkakaiba ng denominasyon.

Ang tatlo ay pansamantalang nasa kustodiya ng pulisya para sa isasampang kasong may kinalaman sa paglabag sa PD 1602.

Facebook Comments