Binata na Nagpaputok ng Baril, Arestado!

145

*Cauayan City, Isabela-* Nahaharap sa kasong Alarms and Scandal o paglabag sa R.A 10591 ang isang binata matapos magpaputok ng kanyang baril sa Purok 6, Brgy. Nabbuan, Santiago City.

Sa ipinarating na ulat ni P/Maj. Reynaldo Maggay, Station Commander ng Station 1 ng Santiago City Police Office, nakilala ang suspek na si Erick Dela Cruz, 28-anyos at residente ng Purok 6, Nabbuan, Santiago City.


Dakong 9:50 kagabi ng iparating ng konsernadong mamayan sa himpilan ng pulisya ang pagpaputok ni Dela Cruz kung kaya’t agad na tumugon ang pulisya.

Naabutan ng mga rumespondeng SWAT Team ang naturang suspek at nasamsam sa kanyang pag-iingat ang isang Magnum 357 smith & wesson at narekober ang isang basyo ng naturang baril.

Pansamantalang nasa pangangalaga ng pulisya si dela Cruz na mahaharap sa kanyang kaukulang kaso.

Facebook Comments

From Advertisers