Tatay, tinaga ang ulo ng anak na nanapak

Kritikal ang lagay ng isang lalaki na tinaga sa ulo ng sariling ama matapos umanong manapak habang nag-iinuman, iniulat kaninang umaga sa Capiz.

Kinilala ang biktimang si Kyle Bryan Diaz, 20, habang arestado naman ang tatay na si Desal Diaz, 45, kapwa residente ng Barangay Centro, Dao.

Ayon sa Dao Police Station, nagkasagutan ang mag-ama habang nag-iinuman sa loob ng bahay at hindi nakapag-kontrol ang batang Diaz kaya nasapak ang tatay.


Sa galit, kumuha ng itak ang tatay at dalawang beses tinaga ang anak na tinamaan sa ulo.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang matandang Diaz habang patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente.

Facebook Comments