3 Katao Kabilang ang Security Guard, Huli sa Buy-Bust Operation

101

Cauayan City, Isabela- Natimbog ang 3 katao kabilang ang isang security guard matapos ang ikinasang drug buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Probinsya ng Isabela.

Kinilala ang suspek na sina Bryan Cayetano, 36-anyos, may asawa, isang driver at Vincent Lazaro, 20-anyos, binate, isang helper at kapwa residente ng Brgy. Del Pilar, Cabatuan, Isabela.


Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong (3) pakete ng hinihinalang shabu at P1,000 na buy-bust money.

Maliban dito, naaresto din sa bayan ng Echague si Bienvenido Austria, 38-anyos, may asawa, security guard at tubong San Isidro, Isabela.

Nakumpiska naman kay Austria ang tatlong (3) pakete ng shabu at P500 na buy-bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2001.



Facebook Comments