Lalaki na gusto raw magpasabog ng checkpoint, arestado

2564
Images: Bulacan Police Provincial Office

Bagsak sa kulungan ang isang netizen na nag-iwan ng komentong bobombahin daw ang quarantine checkpoint sa Meycauayan City, Bulacan, nitong Martes, Mayo 12.

Kinilala ni Bulacan police director PCol. Lawrence Cajipe ang suspek na si Abram Jacob Vibar, 27, residente ng Barangay Lawa.


Ayon sa pulisya, tinangka umano ng suspek na dumaan sa checkpoint para maghatid ng tangke ng liquefied petroleum gas (LPG), ngunit hindi pinayagan dahil walang quarantine pass.

Nang usisain, napag-alaman ng awtoridad na may komento si Vibar sa Facebook na gusto niyang pasabugin ang checkpoint na “istorbo” raw sa kanyang pagde-deliver.

Dinakip ang suspek na nahaharap umano sa kasong disobedience to an agent of a person in authority at onlien grave threat.

Facebook Comments