3 katao, nawawala sa banggaan ng dalawang barko sa Japan

68

Tatlong indibidwal ang naitalang nawawala matapos na bumangga ang Japanese cargo ship sa isang foreign vessel sa Seto, Inland Sea sa Western Japan.

Ayon sa Japanese Coast Guard, patungong Fukuoka Prefecture ang cargo ship, lulan ang 12 crew nang bumangga ito sa chemical tanker na patungo naman ng Osaka.


Wala namang nasaktan sa insidente habang patuloy ang paghahanap sa tatlong Japanese national.

Nito lang Miyerkoles nang magbanggaan din ang isang Japanese vessel at Russian ship sa Hokkaido Coast kung saan tatlong crew ang nasawi.

Facebook Comments