PHIVOLCS, nakapagtala ng pagyanig sa Mt. Pinatubo at Bulkang Bulusan

49

Nakapagtala ng pagyanig ang Mt. Pinatubo sa Zambales mountains at ang Bulkang Bulusan sa isla ng Luzon sa nakalipas na magdamag.

Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), aabot sa 33 pagyanig ang naitala sa Mt. Pinatubo habang 35 pagyanig naman ang naitala sa Bulkang Bulusan


Nananatili naman sa Alert Level ang dalawa kung saan nangangahulugang ito ay nasa ‘low-level unrest’.

Wala namang namamataang pagsabog sa Pinatubo.

Facebook Comments