3 Katao, Pinaghahanap sa Illegal na Pamumutol ng Kahoy

Cauayan City, Isabela- Patuloy ngayon na pinaghahanap ng mga otoridad ang tatlong katao matapos masangkot ang mga ito sa illegal logging na nangyari sa Sitio Dakir, Brgy Sta. Margarita, Baggao, Cagayan.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Elino Salamero, Noel Patricio at isang hindi nakilalang suspek na pawang mga residente ng barangay Sta. Margarita.

Sa imbestigasyon ng PNP Baggao kasama ang MENRO ay nagsagawa sila ng monitoring kaugnay sa illegal logging activities sa naturang lugar na nagresulta sa pagkakakumpiska ng illegally cut na tablon gaya ng Narra at Gmelina gamit ang kalabaw para mahila.


Una nang napansin ng mga suspek ang presensya ng mga otoridad kaya’t agad silang nagsitakbuhan at tumakas.

Tinatayang aabot sa Php16,730.00 ang halaga ng mga nakumpiskang iligal na mga pinutol na kahoy.

Mahaharap sa kasong paglabag sa PD 705 ang mga suspek na kasalukuyang pinaghahanap ng mga otoridad.

Facebook Comments