3 Katao, Sugatan sa Banggaan ng Motor at Tricycle sa Mallig, Isabela

*Mallig, Isabela-* Sugatan ang tatlong katao sa naganap na banggaan ng motorsiklo at tricycle sa pambansang lansangan sa bayan ng Mallig, Isabela.

Kinilala ang driver ng motorsiklo na si James Basing-at, 36 anyos, isang magsasaka at residente ng Tabuk City habang ang driver naman ng tricycle ay si Alexis Tubay, 19 anyos at si J-R Tubay, 14 anyos na kapwa residente ng Brgy. Bimonton, Mallig, Isabela.

Sa nakuhang impormasyong RMN Cauayan, magkasalungat na binabaybay ng dalawang behikulo ang nasabing lansangan nang biglang umanong umagaw ng linya si Basing-at na dahilan ng pagbangga sa kasalubong na tricycle.


Kapwa nagtamo ng mga sugat sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan ang tatlong nasangkot na agad namang dinala sa magkakahiwalay na pagamutan.

Dinala na sa PNP Mallig ang mga sangkot na behikulo para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments