3 Katao, Sugatan sa Gamu, Isabela!

Gamu, Isabela – Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tatlong indibidwal matapos salpukin ang sinasakyang motorsiklo pasado alas dos ng hapon, Enero 19, 2019 sa partikular na lansangan sa Brgy. Mabini, Gamu, Isabela.

Kinilala ang mga biktima na sina Freddie Dela Cruz Dalit, 46 anyos, tindero, live-in partner nito na si Vangie Palermo Dalit, 24 anyos at Prince Kian Palermo Dalit, pawang mga residente ng Brgy. Santos, Quezon, Isabela.

Habang ang suspek at driver ng delivery van ay kinilalang si Grian Forbes Lorica, 35 anyos, binata at residente ng Brgy. San Rafael, Bamban, Tarlac.


Batay sa ipinarating na impormasyon ng Isabela Police Provincial Office (IPPO), pareho umanong binabaybay ng dalawang sasakyan ang nasabing lansangan nang biglang magovertake si Libres at nasalpok ng kasunod na sasakyan ang motorsiklo nito.

Agad namang dinala sa pinakamalapit na pagamutan ang mga biktima matapos magtamo ng sugat para sa kanilang kaukulang lunas.

Ang dalawang sasakyan ay nasa kustodiya na ng PNP Gamu para sa karagdagang imbestigasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments