Isang Laborer, Tinaga ng Kainuman!

Delfin Albano, Isabela – Nagtamo ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang isang lalaki matapos pagtatagain ng kainuman kahapon sa Brgy. Aneg, Delfin Albano, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Ruel Barcelo Libres, trentay dos anyos, may asawa, habang ang suspek ay si Antonio Mexia Obedoza Jr., kwarentay dos anyos, may asawa at kapwa residente ng nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), nagkaroon ng inuman at kasiyahan ang dalawa sa isang canteen na pagmamay-ari ni Ms. Alma Camaggay na humantong sa mainitang pagtatalo kaya’t nasuntok ni Libres si Obedoza.


Agad namang kumuha ng itak si Obedoza at itinaga ng maraming beses sa iba’t ibang bahagi ng katawan ni Libres.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang biktima dahil sa mga tinamong taga.

Nasa himpilan na ng PNP Delfin Albano ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments