Quezon, Isabela- Nahaharap sa kasong Paglabag sa RA 10591 ang tatlong katao matapos masamsaman ng matataas na uri ng baril at bala sa isinagawang Search Warrant nang pinagsanib pwersa ng CIDG, Cagayan-Isabela-Quirino Intelligence Unit, Regional Special Operation Team, Regional Mobile Force Battalion, National Intelligence Service Unit at PNP Quezon bandang alas sais ng umaga, Marso 1, 2018 sa Brgy. Minagbag, Quezon, Isabela.
Nakilala ang mga suspek na sina Ernesto Edradan, Esmenia Sabado at Rodolfo Edradan na pawang mga residente ng Minagbag, Quezon, Isabela.
Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan News kay PSupt. Ronald Laggui, Hepe ng PCR sa IPPO, ito ay alinsunod sa ipinalabas na Search Warrant ni hukom Raul Babaran ng RTC Branch 19 ng Cauayan City na nagresulta sa pagkakasamsam ng ibat-ibang uri ng baril na kinabibilangan ng M14 rifle, Isang M16 rifle, 12 gauge shutgun, caliber 40, ibat-ibang uri ng bala ng magazines at marami pang iba sa mismong tahanan ng mga suspek.
Maswerte naman umanong hindi na naabutan ng mga pulis si Rodolfo Edradan na kung saan nakumpiska mula sa kanyang tahanan ang iba pang uri ng mga bala at baril.
Dinala na sa Regional office ng CIDG ang tatlong suspek kasama ang mga nakumpiska upang isailalim sa tactical interrogation bago sampahan ng kaukulang kaso.