3 Kawani ng LGU sa Isabela, Binigyan ng Pagkilala!

*Cauayan City, Isabela- *Binigyan ng pagkilala ni Mayor Joelle Mathea Panganiban ang tatlong empleyado ng Local Government Unit (LGU) o pamahalaang lokal ng Angadanan, Isabela bilang bahagi ng kanilang pakikiisa sa selebrasyon ng Civil Service Commision Month.

Personal na iniabot ni Mayor Panganiban ang isang plake at cash kay Ginoong Rodolfo Matias, Municipal Budget Officer na umabot ng 30 taon pagseserbisyo.

Dahil umabot rin ng 25 taon pagseserbisyo si Myrna de Vera, Municipal Treasurer ay binigyan din ng pagkilala sa pamamagitan din ng isang plake at cash.


Kinilala rin ang pagbibigay serbisyo ni Yolanda Alog, Municipal Agriculturist na nagsilbi ng 15 taon.

Ayon kay Mayor Panganiban nararapat lamang na mabigyan ng parangal at pagkilala ang mga ito dahil sa matagal, tapat at may taos pusong paglilingkod sa pagbibigay ng serbisyo publiko sa mga mamamayan ng Angadanan.

Dagdag pa ng alkalde, ito’y araw din nila na magsaya at bigyang pugay ang matagal nang nakatuwang ng kanyang ama at ina na nagsilbi rin sa mga residente ng Angadanan.

Malaki naman ang pasasalamat ng tatlong kawani na kinilala ng kanilang punong ehekutibo.

Bukod dito, bilang bahagi sa naturang selebrasyon ay nagkaroon pa ng sports olympics gaya ng battle of mind, athletics events at iba pang mga aktibidad na layong mapalapit ang bawat isa na mga civil servant ng Angadanan.

Facebook Comments