Mister na Nangaliwa, Ipinakulong ni Misis!

*Cauayan City, Isabela-* Inireklamo ng isang ginang ang kanyang mister matapos nitong maaktuhan na magkasama sa inuupang boarding house ang kanyang mister at kabit nito sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa nagreklamong Ginang na itinago sa pangalang “Joyce”, 24 anyos, department head ng isang kumpanya at residente ng Brgy. Maligaya sa nasabing Lungsod, pangalawang beses na aniya ito na pangangaliwa ng kanyang mister na itinago sa pangalang “Louie” matapos ang unang pakikipag-relasyon sa isang menor de edad.

Kahapon lamang nang maaktuhan ni Joyce ang kanyang mister na matagal na umanong nagtataksil kasama ang kabit na itinago sa pangalang “Analyn”.


Desidido naman ang biktima na panagutin ang kanyang mister para mabigyan aniya ito ng leksyon at di pamarisan ng iba.

Sa ngayon ay inihahanda na ng pulisya ang kasong Concubinage na isasampa laban sa dalawang suspek.

Facebook Comments