3 kidnaper, patay matapos manlaban sa Biñan, Laguna – biktima, nailigtas

*Biñan, Laguna – *Patay ang tatlong hinihinalang kidnaper matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Southwoods, Biñan, Laguna.

Ayon kay PNP Anti-Kidnapping Group Chief Sr. Supt. Glen Dumlao – ikinasa ng kanilang tauhan ang rescue operation para sa Indian kidnap victim na si Anial Sohal.

Aniya, papunta pa lamang daw sa isang fast food chain sa Laguna ang family communicator ng pamilya ng kidnap victim na si Sanile Sohal para gawin ang pay-off o pagbabayad ng initial ransom money na 935 thousand pesos.


Pero pagsapit pa lamang sa bahagi ng Southwoods tollgate sa barangay San Francisco, Binan ay natukoy na nang mga tauhan ng PNP AKG ang sasakyang gamit ng mga kidnaper at dito na nila isinagawa ang rescue operation hanggang sa nauwi sa engkwentro.

Agad na napatay ang 3 kidnaper habang nailigtas naman ang kidnap victim.

Positibo namang tinukoy ng kidnap victim ang mga nasawing kidnaper na responsable sa pagdukot sa kanya.

Si Anial Sohal ay dinukot noon pang August 13, 2017 sa Binan, Laguna.

Facebook Comments