Batang lalaki, na-hit and run sa Manila

Manila, Philippines – Sugatan ang isang batang lalaki matapos ma-hit and run ng motorsiklo.

Nakuha pa sa cctv ang pagtawid ng bata sa pedestrian lane sa Sta. Mesa Manila nang masagasaan ito.

Hindi naman ito hinintuan nang nakabanggang motorsiklo.


Dinala agad ang biktima sa hospital na nagkasugat at pasa sa katawan.

Reklamo ng magulang ng bata ang kawalan ng traffic light at enforcer sa tawiran.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng tumakas na rider.

Facebook Comments