3 KILOMETRONG KALSADA SA BRGY. CABUGAO, NASEMENTO NA!

Cauayan City – Napapakinabangan na ng mga magsasaka sa Brgy. Cabugao ang bagong sementong kalsada sa kanilang lugar.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Ginoong Roland Gonzaga, tinatayang nasa 3 kilometro ang haba ng nabanggit na kalsada ang natapos ng sementuhin at maaari ng daanan.

Hindi lang napadali ng road concreting project ang transportasyon ng mga residente patungo sa ibang lugar dahil napapakinabangan din ito ng mga magsasaka lalo na sa tuwing sumasapit ang anihan ng produktong mais at kamote.


Aniya, ngayong sementado na ang kalsada ay mas napapadali ang pagbibilad nila ng kanilang inaning mga produkto, at mas nagiging maayos at mabilis ang pagbiyahe sa mga ito kapag ibebenta na sa merkado.

Facebook Comments