Naglatag ang Department of Education (DepEd) ng tatlong kondisyon para sa implementasyon ng limited face-to-face classes.
Ayon kay DepEd Usec. Anne Sevilla, maaaring gawin ang limited face-to-face classes sa mga lugar na:
- Walang quarantine status at walang kaso ng COVID-19
- Dapat na nasusunod ang health protocols
- Dapat na sang-ayon ang mga magulang
Pagtitiyak ni Sevilla, makikipag-ugnayan muna sila sa mga Local Government Unit (LGU) bago ipatupad ang limited face-to-face classes.
Hindi rin ito gagawin nang sabay-sabay, sa halip ay magkakaroon muna ng pilot run.
Facebook Comments