3 Laborer, Huli sa aktong umiinom ng alak sa Boarding House

1057

*Cauayan City, Isabela*- Inaresto ng mga awtoridad ang tatlong (3) kalalakihan matapos maaktuhan na umiinom ng nakalalasing na inumin sa loob mismo ng kanilang boarding house sa Dacanay St., Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang mga suspek na sina Mark Bancifra, 30 y/o, binata, at residente ng Solano, Nueva Vizcaya; Reden Lumelan, 39 y/o, binata at residente ng Reina Mercedes, Isabela at Marlon Pacano, 38 anyos, may asawa, residente ng Brgy. Roxas, Quirin, Isabela.


Ayon sa imbestigasyon ng Cauayan City Police Station, kinuwestiyon umano ng isa sa mga suspek ang pag aresto sa kanila ng pulisya.

Ang nasabing pagdakip sa mga suspek ay mahigpit na ipinagbabawal dahil sa ipinatupad na Liquor Ban sa kabila ng umiiral na Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga suspek na nasa kustodiya ngayon ng pulisya.

Facebook Comments