2 Suspek sa Panghoholdap na kasama ang Pulis, Naaresto na

609

*Cauayan City, Isabela*- Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa dalawang suspek na kasamahan ng isang pulis na nangholdap kagabi sa isang gasolinahan sa Brgy. Dangan, Reina Mercedes, Isabela.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Efren Adelan, nasa tamang edad at residente ng San Mariano, Isabela na kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Alinam, Cauayan City at Samson Pagaduan na pawang residente ng Roxas, Isabela at kasalukuyan na tumutuloy sa Brgy. Tagaran sa Cauayan City.


Pag-aamin ng suspek na si Adelan na mayroon itong gamit nab aril ng mangyari ang insidente at anim (6) na buwan na nitong kakilala ang pulis na si Tolentino na lagi rin umanong nakakasama sa inuman.

Inamin ng dalawang suspek na sila ay kasama sa nangyaring robbery hold-up incident kung saan natangay mula sa negosyante ang perang nagkakahalaga ng P200,00.00.

Bago ito, una ng sumuko sa mga awtoridad ang suspek na pulis na kinilalang si PLT. Oliver Tolentino na nakatalaga sa Regional Holding Unit ng Police Regional Office 2.

Facebook Comments