3 lalaki na nagtangkang magnakaw sa isang drugstore sa Maynila, arestado

Kalaboso sa Manila Police District (MPD) Malate Station 9 ang tatlong lalaki na nagtangkang magnakaw sa isang drugstore sa SM Harrison Plaza Construction Site sa bahagi ng Mabini St. Malate Manila.

Nakilala ang tatlong suspek na pawang mga walang trabaho na sina Marvin Abarquez, 30-anyos at Eduardo Vicente, 60-taong gulang na parehong mga miyembro ng ‘Bahala Na Gang’; at Caine Joseph Cascano,  24-anyos, na miyembro naman ng Batang City JailB.

Base sa report ng pulisya, nakarinig ng malakas na kalabog ang mga nagpapatrulyang security guard sa lugar.


Nang lapitan ang pinagmulan ng tunog ay napansin nila ang wasak na gate ng Mercury Drug.

Kanila itong pinasok at nakita sa loob ang mga suspek na pilit pang nagtatago sa madilim na bahagi ng drugstore at sa kisame.

Agad dinampot ng nga security guards ang tatlo at dinala sa presinto.

Facebook Comments