Pulis inaresto matapos magwala dahilan sa kalasingan sa Malabon

Isang Police officer ang inaresto ng kanyang mga kapwa pulis dahil sa paghahamon ng gulo sa sobrang kalasingan sa Barangay Maysilo, Malabon City.

Kinilala ang pulis na si Jervy Fusilero 32 anyos naka assign sa Station 1 ng Raja Bago Balut Tondo Police Station ng Manila Police District (MPD).

Sa ulat ng MPD, pasado alas 10:30 ng gabi kung saan tahimik na ang buong paligid at nasa loob na ng bahay ang mga tao sa Remedios Street sa Barangay Maysilo sa Malabon dahil sa ipinatutupad na Enhanced Community quarantine ay nagsusumigaw at naghahamon ng away ang pulis  dahil sa kalasingan.


Agad na rumesponde ang mga kapwa nya pulis at sya ay inaresto, nakuha sa kanya ang isangTaurus pistol na loaded ng bala.

Sa ngayon nahaharap na ito sa kasong alarm and scandal.

Facebook Comments