3 LALAKI, TIMBOG SA PAGBEBENTA NG ILIGAL NA DROGA

Cauayan City, Isabela- Arestado ang tatlong kalalakihan matapos mahulihan ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Roxas, Isabela noong Agosto 17, 2022.

Kinilala ang mga suspek na sina Dan Paul Dayao, 24 taong gulang, driver/mechanic at residente ng Brgy Sotero Nuesa, Roxas; Pete Angelo Reyes, 22 taong gulang, estudyante at residente ng Brgy. Rizal, Roxas; at si Arfil Macayanan, 27 taong gulang, caretaker, at residente ng Brgy. Vira, Roxas, Isabela.

Sila ay naaktuhan na nagbebenta ng iligal na droga sa isang ahente ng PDEA na umaktong poseur buyer dahilan upang sila ay maaresto.

Kimumpiska mula sa pag-iingat ng mga suspek ang tatlong (3) medium size sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng iligal na droga, isang small heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman rin ng iligal na trogra at iba’t ibang drug paraphernalia, limang (5) heat sealed transparent plastic sachets na may residue ng illegal na droga, limang (5) open heat-sealed transparent plastic sachets, isang pack transparent plastic sachets, isang plastic bottle, isang cellphone, isa pang keypad na cellphone, at ang boodle money na ginamit sa operasyon.

Ang mga tatlong suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Dinala ang mga suspek sa Roxas Municipal Police Station para sa dokumentasyon at wastong disposisyon.

Facebook Comments