3 Lider ng CPP, Napatay sa Bakbakan sa Pagitan ng 95th IB at NPA sa Isabela!

8433

Cauayan City, Isabela- Tatlong (3) miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay matapos makipagbakbakan kahapon sa tropa ng 95th Infantry Battalion sa Barangay Rang-ayan, City of Ilagan, Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Army Major Noriel Tayaban, pinuno ng Division Public Affairs Office (DPAO) ng 5th ID, Philippine Army, nakilala ang dalawang namatay na na sina Ka Bobby, squad leader at Ka Princess na lalaki, team lider at medical officer ng kanyang grupo habang kinikilala pa ang isa pang bangkay ng NPA.


Nag-ugat ang sagupaan na tumagal ng 15 minuto nang respondehan ng kasundaluhan ang natanggap na sumbong mula sa mamamayan dahil sa presensya ng mga NPA sa lugar na nagsasagawa umano ng extortion o pangingikil.

Dagdag pa ni Maj. Tayaban, dalawang pinagsanib na grupo ng Regional Sentro de Gravidad (RSDG) at Isabela Central Front ang nakasagupa ng tropa ng pamahalaan.

Narekober sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang (1) M16 Rifle at 3 Caliber 45 na gamit ng mga rebelde.

Patuloy pa rin ang isinasagawang clearing operations ng mga kasundaluhan sa nasabing barangay habang nagsagawa naman ang Tactical Operations Group 2 ng air support sa lugar.

Facebook Comments